Dear Self

1445244-256-k705153

I know I said mamahalin kita today. I’m just too…

in love with somebody else.

Siya at siya pa din. Nakakalimutan na kitang asikasuhin at alagaan. Lagi kasing siya inaatupag ko at iniisip ko. Alam ko namang hindi na nakakabuti na siya lagi kong iniisip. Pinapahirapan ko lang sarili ko. Tanga tangahan ang peg ng gago. Ang sarap kong sipain sa ngala ngala sa katangahan ko.

Minsan parang sumasakit na talaga puso ko dahil nasosobrahan na. Hindi na ako makahinga. Hindi na ako makapag-trabaho ng maayos. Hindi na rin ako makatulog ng maayos. Lagi akong wala sa sarili. Laging siya inuuna ko. Alam ko namang mali pero sige pa din ako ng sige. Pag di ko pa ‘to tinigil, maoospital na ako.

Ang sakit sakit na. Araw araw na lang ganito ako. Alam ko namang hindi na niya ako mamahalin tulad ng dati pero bakit umaasa pa din ako? Dati naman magkasundo kami. Hindi siya nakakaperwisyo sa akin pero ngayon, kalat na kalat na siya sa sistema ko. Parang adik na adik na ako. ‘Di ako maka-get over. Lagi ko siyang hinahanap hanap na parang droga. Kung maka-compare naman ako sa droga akala mo na-try ko na mag-droga.

Alam ko nasasaktan kita dahil sayo ko ‘to shinashare. At alam ko feeling mo ang dami kong alam kasi kanina ko pa sinasabing alam ko blah blah. Patawad. Mamahalin din kita. Balang araw makakalimutan ko na siya. Darating ang araw na hindi ko na siya laging iisipin. Malapit na ako maka-move on. Nafeefeel ko. Kasi alam mo na. Feelingera ako.

Tulungan mo naman akong tigilan ‘tong kahibangan na ‘to. Ikaw lang may kayang kumontrol e. Tulungan mo akong umayaw…

SA PAGKAIN.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s