Sino ang paborito mong Ex?

sad

Kung swerte ka sa buhay, malamang hindi lang isa ang magiging nobyo mo. Kung maaga kang naglandi…este, na-inlove, baka First Year High School ka pa lang, meron ka na naging ka-relasyon. Siguro mas marami sa atin nagkaroon ng unang BF/GF noong ga-graduate na tayo nung High School or yung mga early years ng college. Kung late bloomer ka, siguro doon na sa trabaho o di kaya sa isang organisasyon na sinalihan mo nakilala ang una mong naging ka-relasyon.

Mula doon kay first boy/girlfriend, naka-move on ka  at nagkaroon ka na ng mga ibang ka-relasyon pagkatapos noon. Depende sa personalidad mo kung gaano na kahaba ang listahan mo. Pero sa listahan mo, alam mo na di lang pangalan ng mga ex mo ang nakasulat doon kundi ang mga iba-ibang storya ng pagmamahalan kung saan ikaw ang bida kasama ng iyong iba-ibang leading man.

Siguro sa bawat ka-relasyon mo, may iba-ibang genre ng pelikula mo ito maihahalintulad. May isang relasyon ka siguro na comedy, may isang relasyon naman na drama, at baka may relasyon ka rin na horror. May relasyon ka rin na short film lang, meron ding relasyon na full-feature length. Nagkaroon pa ng part two. At siguro, iba-iba rin ang MTRCB rating ng bawat relasyon mo, may relasyon ka na G, PG-13, PG-16 at R-18. At kung nakangiti ka ngayon, malamang baka nagkaroon ka pa ng lagpas R-18. Tsk. Bad yan. Hindi yan pwede kay Duterte.

Iba-iba ang storya ng ex mo. Iba-ibang kabanata ng saya ang naranasan mo, at iba-ibang kirot sa puso ang naramdaman mo. Hindi mo man gustuhin, pero may punto na kinumpara mo ang bawat katangian ng ex mo. Wala lang. For educational purposes lang. Kung nerd ka, baka nag SWOT analysis ka pa nga per ex.

At nakacategorize pa yan. Alam mo ang sagot kung tanungin sa iyo kung sino ang pinakaguwapo (maganda) sa kanila. O di kaya, ang pinaka sexy. Pinakamalambing? Pinakamatalino sa kanila? Pinakakuripot? Pinakagalante? Pinakajologs? Kahit hindi mo man aminin, may pangalan na nakatatak sa bawat kategorya na yan. Huwag mong sabihin na pantay-pantay lang sila. Ano ka, parent? Hindi mo sila mga anak, mga ex mo sila. Pwede mo silang ipag-rumble.

E paano naman kung tanungin ko sa iyo kung sino ang paborito mong ex? Hindi ko na tatanungin kung sino sa kanila ang pinakamahal mo, malamang ang sagot mo si present, syempre naman. Ang tanong ko, sino sa mga naging ex mo ang paborito mo?

Alam ko, kahit gaano man kaikli o kahaba ang listahan mo, merong isang pangalan na namumukod-tangi.

Hay, paboritong ex. Siya ang first runner up sa Ms. Universe ng buhay mo. Sa kasamaang palad, hindi ito katulad ng totoong Ms. Universe na pwedeng mag-substitute ang first runner up kung hindi magampanan ng nanalo ang kaniyang mga responsibilidad sa korona.

Hindi mo alam ang dahilan, basta sa lahat ng naging ex mo, siya ang paborito mo. Dahil ba mas masaya siyang kasama? Dahil hindi boring ang mga pag-uusap niyo? O mas madami kayong sikretong pinaghatian?

Siya ang taong napakaraming beses mong nagamitan ng salitang “sayang.” Siya yung nakawala. Pero okay na rin iyon dahil masaya ka naman kung nasaan ka ngayon at sana masaya rin siya kung ano man ang lagay niya. Siguro nga, things worked out for the better. Pero sa lahat ng naging ka-relasyon mo, sa kanya lagi naglalaro ang iyong imahinasyon habang nakatitig ka kawalan “ano kaya ang nangyari kung…?” Muntanga lang.

Siguro, masakit nga yung paghihiwalay niyo, pero ang mas naaalala mo ay yung mga masasayang kabanata ng relasyon niyo. Hindi naman ganun kasama diba? Kasi may punto naman na pinaligaya ka niya.

Pero ngayon, pagkatapos ng mahabang panahon, isa na lang siyang parte ng iyong alaala. Ang koneksyon niyo na lang ay sa pamamagitan ng Facebook. Yung mga status updates niya, yung mga pictures na ina-upload niya na nakikita mo sa news feed mo. Para siyang isang kahon kung saan nakatago ang mga magagandang alaala. Pero yung kahon na iyon ay nandun sa ilalim ng kabinet mo na nangongolekta na ngayon ng alikabok. Hindi mo na siya binubuksan, pero alam mo, nandun pa rin siya.

Hindi na siguro ito ang pakiramdam ng panghihinayang, dahil minanhid na ng panahon kung ano man yung mga naging pait at sakit. Sa puntong ito nga, wala ka na rin siguro nararamdaman para sa kanya. Hindi mo na nga siya nami-miss. Basta ang sinasabi mo na sa lahat ng mga naging ex mo

lamang lang siya ng konti, yun lang.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s